AFP chief: Mga sundalo dapat mamaw mag-arnis!

Iminulat ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner ang mga miyembro ng sandatahang lakas sa kahalagahan na masanay sa martial arts gaya ng arnis.

Iminulat ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner ang mga miyembro ng sandatahang lakas sa kahalagahan na masanay sa martial arts gaya ng arnis.

Bumilib si Brawner sa demonstrasyon ng Philippine Army Arnis Group sa kalagitnaan ng ika-127 anibersaryo ng Army nitong Biyernes. Sa gitna ng kanyang talumpati, inatasan ni Brawner ang mga sundalo na magsanay sa arnis.

“Now that we have enough instructors for Arnis, henceforth, Arnis as a martial art, will be taught to all members of the Armed Forces of the Philippines, including the Philippine Navy and the Philippine Air Force,” wika ni Brawner.

Diin pa ni Brawner, ang arnis ay isang Pinoy martial art, kaya’t dapat lamang na masanay dito ang mga miyembro ng AFP.

“Tayo ang gumawa nito, tayo ang nagimbento ng Arnis. Therefore, we should be proficient, we should be experts in Arnis,” dagdag pa ni Brawner. “Ang dapat na pinaka-expert niyan ay ang mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines.”