Adiong sa mga Pinoy: Maging kabalikat ni PBBM sa WPS issue

Nanawagan si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong sa publiko na suportahan ang pananaw ng administrasyong Marcos hinggil sa tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Nanawagan si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong sa publiko na suportahan ang pananaw ng administrasyong Marcos hinggil sa tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

“We should support the President. Because bullying tactics, a strategy like that, should be countered with a strong opposition and the President has taken that. Kasi pinaglalaban ng Presidente is not to encroach on anybody’s territory; the President does not want to encroach the territory of any other country,” saad ni Adiong.

Ayon pa sa mambabatas, ginagawa lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang trabaho na ipagtanggol ang bansa sang-ayon sa international law.

“But we are merely protecting ours na hindi naman natin kini-claim randomly or without any basis at all but this is supported by the decision of the UNCLOS. So, I guess, ‘yung mga ganyang strategy, they want to portray to the whole world that they’re a superpower and that’s why they can step on us anytime they want,” wika pa ni Adiong.

“And that’s a basic definition of a bully. Ang dapat na sagot sa isang pagsisindak ay hindi dapat defeatist ang attitude. Dapat tumindig, and the President is standing on a very legitimate position, and we need to support him on that,” dagdag pa niya.

Ilang beses nang inanunsyo ni Marcos na hindi niya isusuko ang mga teritoryo ng bansa sa mga mananakop.