Adiong: Hearing sa ‘PDEA leaks’, dungis sa dangal ng Senado!

Dinudungisan at pinabababa ng patuloy na pagdinig ukol sa “PDEA leaks" ang integridad ng Senado, ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.

Dinudungisan at pinabababa ng patuloy na pagdinig ukol sa “PDEA leaks” ang integridad ng Senado, ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.

Sa naturang PDEA leaks kasi ay nadawit ang pangalan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isa sa mga gumagamit umano ng iligal na droga.

Sinabi ni Adiong, ang ginagawang imbestigasyon ng komite ni Senador Ronald Dela Rosa ay matatawag na “smear campaign” o paninira ng reputasyon.

Dapat umano ay alam ng senador na ang imbestigasyon ay nakabase sa ebidensya, bagay na wala si PDEA agent Jonathan Morales.

Bukod pa riyan, wala rin naman umanong pinatutunguhan ang naturang imbestigasyon.