‘Addict? Wala akong sinabi na ganun’: Duterte kambyo sa paratang kay PBBM

Nag-iba ang tono ni dating pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes sa nauna niyang pasabog na adik umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nag-iba ang tono ni dating pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes sa nauna niyang pasabog na adik umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Wala ako sinabi na ganon… Even if you kill me a thousand times, wala akong sinabi na ganon. Make it ‘taking a drug.’ Pero kung sabihin mong addict, wala akong sinabi na ganon. Patayin ako ni Marcos niyan. Maawa ka naman sa akin, matanda na ako,” pahayag ni Duterte sa isang press conference.

Paliwanag ng dating pangulo, ang pinatutungkulan niyang iniinom na drugs ni Marcos ay mga gamot gaya ng antibiotic at aspirin.

“If I can say it to Marcos, I can say it for all. Antibiotic, aspirin—they’re all drugs… Pero wala ako sinabi… Papatayin ako ni Marcos niyan. Takot pa naman ako mamatay, matanda na ako,” aniya.

Noong Enero, tinawag ni Duterte na ‘bangag’ si Marcos at isang drug addict.

“Si Bongbong, bangag iyan. That’s why sinasabi ko na sa inyo ngayon, si Bongbong Marcos bangag noon, ngayong presidente na, bangag ang ating presidente. Kayong mga military, alam ninyo ‘yan. Lalo na ‘yung nasa Malacañang. Alam ninyo. The Armed Forces of the Philippines, alam ninyo. May drug addict tayo na presidente,” wika ni Duterte.

Sinabi pa noon ni Duterte na nakita niya ang pangalan ni Marcos sa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency.