Action man talaga: DA chief Laurel, nakipagpulong sa mga farmers’ groups

Kabilang sa mga nakapulong ni Kiko Laurel ay ang ang liderato ng United Broilers Raisers Association, Samahang Industriya ng Agrikultura, Federation of Free Farmers, at SINAG.

Nakipagpulong si Department of Agriculture (DA) Secretary Kiko Laurel Jr. sa iba’t ibang mga farmers’ groups kahapon, Nobyembre 13.

Kabilang sa kaniyang mga nakapulong ay ang liderato ng United Broilers Raisers Association, Samahang Industriya ng Agrikultura, Federation of Free Farmers, at SINAG.

Sumama sa pulong ang ilang mambabatas sa pangunguna ni Sen. Cynthia Villar chair ng Senate committee on agriculture, food, and agrarian reform, at ni Rep. Mark Enverga, chair naman the House committee on agriculture and food.

Ayon kay Elias Jose Inciong, pangulo ng United Broilers Raisers Association, maraming isyu ang tinalakay sa naturang pulong, kabilang na ang mga trade policies ng DA at ang pagtaas ng presyo ng bigas.

Ikinalugod ni SINAG executive director Jayson Cainglet ang pakikipagpulong ni Laurel dahil ito aniya ay simula ng “new era of collaborative working relationship” ng sektor ng agrikultura at ng DA.