Accomplishment Report: Duterte admin ibinida 20K patay sa drug war noong 2017

Tila ipinagmalaki ng Office of the President sa panahon ni dating Pangulong Duterte ang pagkakapatay sa higit 20,000 katao sa drug war ng nakaraang administrasyon.

Tila ipinagmalaki ng Office of the President sa panahon ni dating Pangulong Duterte ang pagkakapatay sa higit 20,000 katao sa drug war ng nakaraang administrasyon.

Ito ang isiniwalat ni human rights lawyer Cheloy Diokno sa pagdinig ng House Committee on Human Rights sa mga umanong extrajudicial killings sa panahon ni Duterte.

Ayon skay Diokno, isinama ng OP sa year-end report nito noong 2017 ang pagpaslang sa 20,322 katal mula July 2016 hanggang November 2017.

Ikinagulat ng mga mambabatas ang rebelasyong ito ni Diokno dahil malayong-malayo ito sa pinapalabas ng nagdaang administrasyon na mayroon lamang higit 6,000 drug-related deaths sa drug war ni Duterte.