Absolute Divorce Act, hindi pa rin tiyak ang kapalaran

Hindi pa rin tiyak ang kapalaran ng House Bill (HB) No. 9349 o Absolute Divorce Act, ayon kay Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante, isang Baptist Pastor na mariing tumututol sa nasabing panukalang batas.

Hindi pa rin tiyak ang kapalaran ng House Bill (HB) No. 9349 o Absolute Divorce Act, ayon kay Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante, isang Baptist Pastor na mariing tumututol sa nasabing panukalang batas.

Ipinasa ang HB No. 9349 sa ikatlo at huling pagbasa noong nakaraang linggo bago ang sine die adjournment ng Kongreso.

Halos nahati ang mga mambabatas sa Kamara sa usapin ng diborsiyo. Kahit ang mag-asawang sina Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez ay tumutol dito.

Noong Lunes, hinikayat ni Abante ang mga kapwa mambabatas na mag-ingat sa pag-aanunsyo na ang nasabing HB 9349 ay magiging batas.

Ayon sa Secretariat ng Kamara, ipagpapaliban muna ang pagpasa ng HB 9349 sa Senado upang magkaroon ng pagkakataon ang mga kumukuwestiyon sa boto sa pagbubukas ng ika-20th Congress sa Hulyo 22.

Sumang-ayon si Abante sa mga opinyon nina Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez at CIBAC Partylist Rep. Eddie Villanueva na hindi nakuha ng HB 9349 ang sapat na boto para makapasa ito sa huling pagbasa.

Sinabi ni Abante na madami pang dapat ayusin bago tuluyang mapag-usapan ang batas na ito. Dagdag niya pa na mahalaga ang pag-aaral sa batas na ito at hindi dapat madaliin ang desisyon.