ABS-CBN shutdown supporter Camille Villar nagalak sa partnership ng ALLTV at Kapamilya network

Natuwa si Las Piñas Rep. Camille Villar, na isa sa bumotong pabor sa ABS-CBN shutdown, sa partnership ng kanilang media network na ALLTV at Kapamilya.

Natuwa si Las Piñas Rep. Camille Villar, na isa sa bumotong pabor sa ABS-CBN shutdown, sa partnership ng kanilang media network na ALLTV at Kapamilya.

Sa pahayag ni Villar, sinabi nito na inaasahan niyang magtagal ang magandang relasyon ng ALLTV at ABS-CBN.

“We are very proud and honored to be celebrating today the start of what we hope is going to be a long, fruitful, and good partnership between AMBS and ALLTV, as well as ABS-CBN,” wika ni Villar.

Ilang Kapamilya shows na ineere sa Jeepney TV ang pinapalabas sa ALLTV, kabilang din sa umeere na dito ay ang flagship newscast program ng Kapamilya na ‘TV Patrol’.

Matatandaan na ang AMBS ng mga Villar ang nakakuha ng prangkisa na dating hawak ng ABS-CBN.

Isa si Camille sa mga bumoto na ideny ang prangkisa para sa ABS-CBN noong 2020.