Abot ang lahat sa bawat sulok ng Pilipinas! Sapat pondo para sa mga LGU, garantisado sa 2024 national budget–Romualdez

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang karagdagang pondong ilalaan para sa mga lokal na pamahalaan ay magagamit para sa mga reporma at mas maasyos na serbisyo.

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na may pondo para sa patuloy na pagpapatupad ng Mandanas-Garcia ruling ng Korte Suprema sa ilalim ng panukalang P5.768-trilyong national budget para 2024.

Ayon sa Mandanas-Garcia ruling, dapat maglaan ng sapat na pondo para sa local government units (LGUs) sa ilalim ng national budget.

Sa kaniyang talumpati sa pagbibigay ng Seal of Good Local Governance ng Department of the Interior and Local Government sa mga mahuhusay na LGUs, pinaliwanag ng Speaker na ang karagdagang pondong ilalaan para sa mga lokal na pamahalaan ay magagamit para sa mga reporma at mas maasyos na serbisyo.

“In a few days, one of the most important pieces of legislation, the P5.768 trillion 2024 appropriations, will be submitted for the approval of President Ferdinand Marcos Jr. The House of Representatives crafted the 2024 budget to bring about balanced development, propagating progress not just in urban areas but across the archipelago, so that every Filipino, from the northernmost provinces to the southernmost islands, can thrive with peace and abundance,” giit ni Romualdez.

Pasado na sa Kamara at Senado ang panukalang national budget, at pirma na lamang ng pangulo ang kailangan upang maging ganap na batas ito.

“It also contains provisions for the effective implementation of the Mandanas ruling, ensuring that local governments have the resources they need for undertaking reforms at the local level. We hope that the inclusion of this provision will encourage more local governments to endeavor to take on the challenge of attaining the Seal of Good Local Governance,” saad pa ni Romualdez.