Abot 4K contractual job sa DSWD, aprub sa DBM

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang lampas 4,000 na contractual position para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang lampas 4,000 na contractual position para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito’y para masiguro ang maayos na implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng naturang ahensya.

“Supporting the 4Ps is crucial in inclusive development, empowering families, and breaking the cycle of poverty in the Philippines,” ayon kay Budget Secretary Mina Pangandaman.

“With this move, we are also generating employment opportunities, which in some ways help stabilize our economy,” aniya pa.

Ilalagay ang mga kasalukuyang empleyado ng DSWD na nasa ilalim ng contract of service (COS) at job order (JO) para punuin ang mga contractual position.

Sa binuksan na contractual position na Project Development Officer II, magiging 300 household ang hahawakan ng isang case manager.

Ang case manager ay mahalaga dahil sila ang direktang nakikipag-usap sa mga 4Ps benificiaries para sa maayos na implementasyon nito.