Abby Binay patuloy paramdam, namahagi P1M ayuda sa Davao De Oro

Namigay ang pamahalaang lungsod ng Makati ng P1 milyon bilang cash assistance sa mga naapektohan ng weather disturbance sa Davao de Oro na dulot ng shear line na nangyari nitong simula ng taon.

Namigay ang pamahalaang lungsod ng Makati ng P1 milyon bilang cash assistance sa mga naapektohan ng weather disturbance sa Davao de Oro na dulot ng shear line na nangyari nitong simula ng taon.

Ang nasabing financial aid ay personal na initurover ni Makati City Mayor Abby Binay kay Davao de Oro Treasurer Grace Quintana.

“We know they need all the help they can get to recover from the damage caused by severe weather events. Through financial support, we hope to alleviate some of the burdens of fellow local government units in recovery and rehabilitation,” ani Binay.

Bukod sa Davao de Oro, inaasahang magbibigay din ang Makati ng financial aid sa iba pang mga lugar na apektado ng shear line at Tropical Cyclone Kabayan noong nakaraang taon, kabilang ang Kapalong Municipality sa Davao del Norte, at Lupon Municipality at Caraga Municipality sa Davao Oriental.

Sa kabuoan, nakapagtalaga ang Makati ng P2,250,000 halaga para sa financial assistance sa mga naturang lugar.

Sinabi ni Binay na may plano din ang Makati na ibahagi ang kanilang mga best practices sa disaster response at preparedness upang matulungan ang ibang lokal na pamahalaan sa buong bansa.

“We are ready to share our sound practices in various aspects of governance, including disaster risk reduction and management, to help other localities bounce back better and become more climate-resilient,” wika ni Binay.

Simula pa noong unang termino ni Makati City Mayor Abby Binay, isa na sa mga prayoridad niya ang pagtulong sa mga lokalidad sa bansa na nasalanta ng iba’t ibang uri ng kalamidad.

Mula 2016 hanggang sa kasalukuyan, ang lungsod ng Makati ay nakadonasyon na ng kabuuang halagang P168.55 milyon bilang financial assistance sa 283 na mga lungsod, munisipyo, at probinsya sa buong bansa.

Matatandaang na isa si Makati City Mayor Abby Binay sa mga napipisil na tumanggap ng isa pang termino bilang punong-lungsod ng Makati. Gayunpaman, hindi naman niya ibinigay ang detalye kung ano ang magiging desisyon niya sa susunod na eleksiyon.