Abante, babae! PBBM, nais gawing mas kaaya-aya ang Bagong Pilipinas sa mga kababaihan

Ang pangulo na mismo ang nagsabi: Mahalaga ang papel na gagampanan ng kababaihang Pilipino sa pagbuo ng Bagong Pilipinas, kanya naman nais nitong mabigyan sila ng sapat na oportunidad upang ipakita ang kakayahan nila.

Bingyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang malaking papel na gagampanan ng kababaihan sa nation-building tungo sa Bagong Pilipinas. Kanya naman ayon sa pangulo, mahalagang gawing kaaya-aya ang bansa sa mga Pilipina upang mas makilahok sila sa iba’t ibang larangan.

“We can broaden the growth opportunities and enhance the role of women in our society. So, most importantly, create a conducive and nurturing environment for women and for girls to participate freely and equally in our political, social, and economic spheres,” saad ni Marcos sa oath-taking ng bagong mga opisyal ng Lady Local Legislators League of the Philippines, Inc. (Four-L Phil) sa Malacañang.

Gayunpaman, inamin ng pangulo na maraming pang kailangang gawin upang masiguradong nabibigyan ng sapat na oportunidad ang kababaihang Pilipino, na inilarawan niyang “supreme asset” ng Pilipinas.

“Moving forward, I hope to see more women in key leadership positions in the country. Be assured that this administration remains steadfast in implementing the Magna Carta of Women at all levels of government,” pagtitiyak niya.

Hinimok rin niya ang lahat upang siguraduhing makakaangat ang mga kababaihan ng Pilipinas.

“Let us aim to eradicate prejudice and discrimination against women in every facet of our society so we can build a Bagong Pilipinas that empowers women to be the best that they can be,” aniya.