Abante, babae! Gender pay gap sa Pilipinas, patuloy na bumababa—ahensya

Dahil sa mga batas na tumutugon sa karaniwang problema ng kababaihan, gaya ng sexual abuse at diskriminasyon, masasabing gumaganda na ang kalidad ng pamumuhay ng mga babae sa bansa, ayon sa Philippine Commission on Women (PCW).

Bumababa na ang gender gap sa Pilipinas.

Inanunsiyo ito ng Philippine Commission on Women (PCW) nitong Lunes, Oktubre 16, matapos bumaba sa ika-16 ang bansa sa ika-16 na ranggo sa 2023 Global Gender Gap Index ng World Economic Forum.

“The Philippines’ active engagement with the UN (United Nations) treaty body system reflects its strong commitment to its human rights obligations and the high importance it attaches to international norms-building and standard-setting”, said Amb. Carlos D. Sorreta, ang Permanent Representative ng Pilipinas sa UN at iba pang international organizations sa Geneva.

Ibig sabihin nito, mas nagiging maganda na sa mga babae ang kaledad ng buhay rito dahil pataas na ang gender equality, napoproteksiyunan na ang mga Karapatan ng kababaihan, at nabibigyan sila ng equal access sa mga serbisyo gaya ng healthcare. Mayroon na ring mga batas para tugunan ang mga isyu ng rape, sexual harassment, online abuse, human trafficking, at kapakanan ng solo parents.

Kamakailan rin ay nagkaroon ang Pilipinas ng Constructive Dialogue Committee sa Geneva, Switzerland upang ipresinta nito ang Convention on the Elimination of All forms of Discrimination against Women.