Abanse, Babae! Kauna-unahang babaeng tagapagsalita ng AFP, hinirang ni Brawner

Si Lt. Col. Francel Margareth Padilla ay kabilang sa “Saghaya” Class 2000 ng Philippine Military Academy at dating kumandante ng 7th Signal Battalion, Army Signal Regiment of the Philippine Army.

Itinalaga ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bagong spokesperson si Lt. Col. Francel Margareth Padilla nitong Lunes, Enero 15.

Siya ang kauna-unahang babae na itinalaga ng Hukbong Sandatahan sa nasabing posisyon.

Iprinesenta ni AFP chief General Romeo Brawner Jr. bilang bagong AFP spokesperson si Padilla matapos ang command conference nito sa Camp Aguinaldo.

“I want to thank the Chief of Staff for the trust and confidence given me to be the new AFP spokesperson,” ani Padilla. “We will continue with whatever it is that we are doing in terms of informing the public appropriately in terms of the thrusts of the AFP.”

Si Padilla ay kabilang sa “Saghaya” Class 2000 ng Philippine Military Academy at dating kumandante ng 7th Signal Battalion, Army Signal Regiment of the Philippine Army.

Isa rin siya sa mga finalist ng Cybersecurity Woman of the Year 2023.