Abang sa karma! Liza Marcos banas sa ilang DDS vloggers

May sama ng loob si First Lady Liza Araneta Marcos sa ilang pro-Duterte vloggers na dati niyang tinulungan ngunit ngayon ay bumabanat na sa kanila.

May sama ng loob si First Lady Liza Araneta Marcos sa ilang pro-Duterte vloggers na dati niyang tinulungan ngunit ngayon ay bumabanat na sa kanila.

Sa panayam ni Anthony Taberna, sinabi ng Unang Ginang na dati niyang nilibre sa kanyang law firm ang dalawang vlogger na kampi sa mga Duterte.

Ito ay sina Sass Sasot at RJ Nieto na kilala bilang si ‘Thinking Pinoy’.

Ayon kay FL Liza, dating nakasuhan ng cyber libel ang dalawang vlogger, dahilan para tulungan niya ito ng pro bono o walang bayad sa kanyang serbisyo bilang abogada.

“Sass and RJ, I met them because they were sued for cyber libel. So they came to me, pro bono,” ayon sa First Lady.

Ayon kay Liza, bigla na lang kumalas sa kanya ang dalawang vlogger matapos niya silang tulungan sa loob ng tatlong taon.

“We went to court. She made a deal with the other side and took RJ away. Sabi ko, ‘Teka muna, medyo makapal ‘yan. Pro bono, three years, tapos you’ll fire our law firm’,” saad ng First Lady.

“If you’re happy that way, there’s such a thing as karma,” aniya pa.