Abalos sa brgys: ‘Wag aregluhin child abuse cases, ipapakulong ko kayo!

Nagbanta si Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. na ipapakulong niya ang sinumang lokal na opisyal na magpapasiyang tuldukan ang kaso ng child sexual abuse at exploitation sa barangay.

Ayon kay Abalos, sisiguraduhin niyang makukulong at magbabayad ang mga barangay official na makikipag-settle sa mga taong may kaso ng abuso laban sa bata.

“Ito iyong wina-warning ko lahat ng mga barangay, hindi na puwedeng mag-settle dito, hindi puwedeng mag-settle, I’m warning you, sa lahat ng mga nanood ngayon. Mga bata dito ang biktima. Ito’y krimen, hindi ito sasabihin kamera na nakatutok na ganoon, kasi may ganyang thinking eh, sabihin ‘di ba camera lang iyan,” sabi ni Abalos.

Dagdag niya, nakatakdang mag-dokumento ang mga awtoridad ng mga kaso ng online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) at child sexual abuse and exploitation materials (CSAEM), at maabisuhan ang mga women’s desk tungkol sa paghahandle ng mga naturang kaso.

Isa ang Pilipinas sa mga bansang itinuturing na “hotspot” para sa mga kaso ng OSAEC at CSAEM, ayon sa ilang mga report.