Abalos: P21B droga nakulimbat!

Abot sa P21 bilyon halaga ng iligal na droga at 95,790 drug user ang naaresto sa ilalim ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program.

Abot sa P21 bilyon halaga ng iligal na droga at 95,790 drug user ang naaresto sa ilalim ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program.

“We’ve got 75,831 drug operations, 95,790 arrested drug personalities, P 21 billion pesos worth of illegal drugs confiscated, ”ayon kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.

Ito’y inanunsyo ni Abalos sa 1st anniversary ng BIDA program na pinagdiwang sa Mall of Asia sa Pasay.

Ayon pa kay Abalos, abot sa 28,000 barangay na ang makukunsiderang drug-free dahil sa naturang programa.

177 police personnel na nalamang may kinalaman sa iligal na droga ang nakasuhan.

Lahad ni Abalos, ang kanilang programa ang magpapatuloy kahit pa drug-free na ang isang lugar.

“Hindi ibig sabihin na drug-free ang barangay nyo ay titigilan na namin. We will continue to monitor because there is a risk na baka bumalik,” saad ni Abalos.