Abalos kinalampag LGU sa nakalusot na Chocolate Hills resort

Pinagpapaliwanag ni Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga local official na may sakop sa mga napatayong resort sa Chocolate Hills sa Bohol.

Pinagpapaliwanag ni Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga local official na may sakop sa mga napatayong resort sa Chocolate Hills sa Bohol.

Bubuo ng task force ang DILG para malaman kung may pananagutan ba ang mga local government unit (LGU) sa Captain’s Peak Resort.

“We have mobilized a special investigation team to swiftly ascertain any liability of local officials in this matter,” ayon sa ahensya.

Kanila ring papanagutin ang sinumang opisyal na malalamang nagkaroon ng kapabayaan sa mga resort na sumulpot sa protected area ng Bohol.

Aniya, posibleng masuspende o ‘di kaya’y masibak sa serbisyo ang mapapatunayang may sala sa mga nagsulputang resort sa Chocolate Hills.

Samantala, napag-alaman na may isa ring resort sa Brgy. Tambo-an sa bayan ng Carmen na nakatayo rin sa paanan ng Chocolate Hills.

Iniimbestigahan na ng provincial board ang naturang istruktura.