Abalos, binalaan mga scammer: Mahuhuli namin kayo!

Binalaan ni Interior Secretary Benhur Abalos ang mga scammers online na hindi nila matatakasan ang galamay ng batas kung ipagpapatuloy nila ang kanilang masamang gawain.

Binalaan ni Interior Secretary Benhur Abalos ang mga scammers online na hindi nila matatakasan ang galamay ng batas kung ipagpapatuloy nila ang kanilang masamang gawain.

Sinabi ni Abalos ang babala matapos um-attend sa hearing sa Lingayen, Pangasinan laban sa isang scammer na nahuli noong Disyembre matapos magpanggap bilang siya.

“Maganda po ang teknolohiya; ngunit nakakatakot din, lalo na’t kayang-kaya ng Artificial Intelligence gayahin ang boses at pagtawa natin na maaaring magamit sa panloloko,” saad ni Abalos sa isang ambush interview.

“Para sa mga mapagsamantala — tumigil na kayo at mahuhuli namin kayo!” dagdag pa niya.

Nahuli ng otoridad noong Disyembre 5, 2023 si Edison Samson Montealto sa Lingayen dahil sa umano’y panggogoyo sa ilang opisyalo ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa imbestigasyon, nagpapanggap na chief of staff ng DILG Secretary si Montealto at ginagaya pa umano ang boses ni Abalos sa telepono.