Aba, dapat lang! DOTr, tinaasan ang loan subsidy para sa PUV modernization

Biglang pagtulong sa mga tsuper at jeepney operator ay itinaas na ng Department of Transportation sa subsidya na matatanggap ng mga bibili ng modernong jeepney sa ilalim ng PUV Modernization Program ng gobyerno.

Dinagdagan na ng Department of Transportation (DOTr) ang loan subsidy para sa pagbili ng modern public utility vehicle sa ilalim ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng gobyerno.

Sa bisa ng Department Order No. 2023-018 na nilagdaan ni Transportation Secretary Jaime Bautista noon pang Agosto 31, magiging P280,000 na ang subsidiya ng gobyerno kada unit para sa PUV operators na bibili sa ilalim ng Class 2, 3, at 4. Dating P160,000 kada unit lamang ang nakalaan para dito. Ang mga bibili naman ng PUV units sa ilalim ng Class 1 ay makatatanggap ng P210,000.00 kada unit.

“The approval of the additional equity subsidy is aimed at giving each consolidated entity sufficient capacity to purchase modern PUV units while also further reducing the cost of their monthly amortization,” paliwanag ng DOTr.

Bago ang anunsiyong ito, matatandaang nagkasa na ang isang grupo ng tigil-pasada kontra sa PUV Modernization Program.