Aarangkada na! Ibababang EO ni PBBM, makakatulong sa muling pagkabuhay ng ‘Bicol Express’ rail – mambabatas

Ikinatuwa ni Bicol Saro Party-list Rep. Brian Yamsuan ang planong EO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpapabilis sa pagproseso ng mga requirements para sa infrastructure flagship projects (IFPs) ng pamahalaan kagaya ng Bicol Express.

Pinapurihan ng isang mambabatas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos matapos ang plano nitong mag-issue ng isang executive order (EO) na magpapabilis sa pagproseso ng mga requirements para sa infrastructure flagship projects (IFPs) ng pamahalaan.

Ayon kay Bicol Saro Party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan, malaking tulong ang naturang EO upang masigurong magiging matagumpay ang Build Better More (BBM) program ng pamahalaan.

Partikular na rito, ayon kay Yamsuan, ay ang pagbuhay muli ng Bicol Express, ang pamosong ruta ng Philippine National Railways (PNR) na tumatahak mula Maynila papuntang Bicol.

“Among the foreseen issues in the revival of the Bicol Express is the long process of securing permits, clearances, licenses, and other documentary requirements to get the project going. The soon-to-be issued EO by the president will certainly streamline all these once-tedious processes and shorten the timeline for the completion of the Bicol Express,” paliwanag ni Yamsuan.

Isa si Yamsuan sa mga nagsusulong ng muling pagbuhay at pag-modernize sa Bicol Express, na isa sa mga kasama sa BBM program.