A-attend kaya? Subpoena ng Senado natanggap na ng kampo ni Quiboloy

Natanggap na ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader Pastor Apollo Quiboloy ang subpoena na inisyu sa kanya ng Senado, ayon kay Senador Risa Hontiveros.

Natanggap na ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader Pastor Apollo Quiboloy ang subpoena na inisyu sa kanya ng Senado, ayon kay Senador Risa Hontiveros.

Inilabas ni Hontiveros ang received copy ng subpoena sa mga miyembro ng media. Ang dokumento ay tinanggap ni Atty. Marie Dinah Tolentino, legal counsel ng KJC.

Ito ay bahagi ng patuloy na pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality sa mga umano’y pang-aabuso ni Quiboloy sa ilang miyembro ng KJC.

Una nang sinabi ni Hontiveros, chair ng naturang kumite, na maaaring ma-cite for contempt si Quiboloy kung hindi ito umattend ng hearing.

Maaari rin aniya hingin ng Senado ang tulong ng kapulisyahan sa pagtunton kay Quiboloy, na kamakailan ay umaming nagtatago dahil sa aniya’y banta sa kanyang buhay.