97 bilanggo palalayain ng BuCor

Nakatakdang palayain ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 97 na bilanggo na nakulong ng 40 taon o higit pa.

Nakatakdang palayain ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 97 na bilanggo na nakulong ng 40 taon o higit pa.

Ayon sa BuCor, ang pagpapalaya sa mga bilanggo ay inaprubahan na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Sa 97 bilanggo, 47 ang galing sa New Bilibid Prison, 23 mula sa Iwahig Prison and Penal Farm, 12 mula sa Sablayan Prison and Penal Farm, anim mula sa Davao Prison and Penal Farm, lima mula sa San Ramon Prison and Penal Farm, at apat mula sa Correctional Institution for Women.

Ang mga naturang bilanggo ay nasentesyahan ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkakabilanggo.

Dagdag pa ng BuCor, ang pagpapalaya ay parte ng kanilang programa upang mapaluwag ang mga bilangguan.