966 beterano ng World War 2 buhay pa, makikiisa sa Araw ng Kagitingan

Iniulat ng Philippine Veterans Administration Office (PVAO) ngayong Lunes na 966 beterano ng World War 2 ang nabubuhay pa sa ngayon.

Iniulat ng Philippine Veterans Administration Office (PVAO) ngayong Lunes na 966 beterano ng World War 2 ang nabubuhay pa sa ngayon.

Batay sa ulat, ang 966 na beterano ay makikiisa sa paggunita sa Araw ng Kagitingan sa Martes, Abril 9.

Patuloy umanong nakakatanggap ng pensyon at benepisyo gaya ng libreng atensyong medikal ang mga ito.

Ang pinakamatanda sa mga nabubuhay na beterano si Emelia Guerrero, 105-anyos.

Bukod pa rito, 16,899 na asawa ng mga beterano ang patuloy ding nakakatanggap ng pensyon.

Ang Araw ng Kagitingan sa Martes ay ang ika-82 anibersaryo nito. Abril 9, 1942 nang sumuko sa mga Hapon ang pinagsamang-pwersa ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo.

Sa kanilang pagsuko, pinag-martsa sila ng mga Hapon mula Mariveles, Bataan hanggang Capas, Tarlac, na kilala bilang Bataan Death March.