80K residente ng Benguet nakatanggap P412M ayuda sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

Nakakuha ang 80,000 na residente sa Benguet ng P412 milyon na tulong pinansyal sa ginanap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ngayong Linggo.

Nakakuha ang 80,000 na residente sa Benguet ng P412 milyon na tulong pinansyal sa ginanap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ngayong Linggo.

Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez, bukod sa cash assistance ay namahagi rin ng P110 milyon sa mga serbisyong panlipunan, P10 milyon sa mga serbisyong pangkalusugan, P50 milyon sa mga serbisyong pang-agrikultura, P180 milyon sa mga serbisyong pangkabuhayan, P35 milyon sa tulong pinansiyal para sa edukasyon, P25 milyon sa iba pang serbisyong pampamahalaan, at P1 milyon sa regulatory services.

“All in all, the BPSF distributed a total of P261 million in cash aid and P151 million in in-kind assistance in Benguet, which includes P110 million in social services, P10 million in health services, P50 million in agricultural services, P180 million in livelihood services, P35 million in educational assistance, P25 million in other government services and P1 million in regulatory services,” wika ni Romualdez.

Ang ginanap na BSPF sa Benguet ay ang unang kaganapan sa Cordillera Autonomous Region (CAR), kung saan dinaluhan ng 63 miyembro ng mababang kapulungan.

Samantala, sinabi rin ni Romualdez na layon ng programang ito na mapuntahan ang 82 na probinsya sa Pilipinas.