80 forest fire naitala sa Cordillera

Umabot na sa 80 ang naitalang forest fire sa Cordillera Region mula Enero hanggang sa unang linggo ng Marso.

Umabot na sa 80 ang naitalang forest fire sa Cordillera Region mula Enero hanggang sa unang linggo ng Marso.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Cordillera, umabot sa 43 na bilang ng sunog ang naitala sa Benguet; pito sa Abra; 4 sa Baguio; 2 sa Kalinga; at 32 sa Mt. Province.

Sinabi ni BFP Cordillera Fire Inspector at Information Officer Janelle Manuel Daniel na mas mataas ang bilang ng mga insidente ng sunog ng taong ito kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Samantala, patuloy pa rin ang BFP sa pag-iimbestiga ukol sa sanhi ng mga sunog.