8 nagpapanggap na DBM personnel kalaboso!

Arestado ang walong indibidwal na nagpapanggap na opisyal at kawani ng Department of Budget and Management (DBM) sa isang entrapment operation sa Mandaluyong City.

Arestado ang walong indibidwal na nagpapanggap na opisyal at kawani ng Department of Budget and Management (DBM) sa isang entrapment operation sa Mandaluyong City.

Ayon sa ulat, isa umano sa mga suspek ang nagpakilalang isang Undersecretary ng DBM na nasa pangangasiwa ng “special projects” ng ahensya.

Sinabi ng biktima, isang contractor, na nangako ang suspek na bibigyan sila ng access sa P1.3 bilyong halaga ng mga proyekto ng pampamahalaan.

Kabilang umano sa mga proyekto na ito ay ang pagtatayo ng dam.

Pagpapatuloy ng biktima, ang proyekto ay ibibigay umano sa kanya kapag naiabot na ang “grease money” para sa “Blue Print” ng proyekto upang simulan ang pagproseso ng mga dokumento.

Nabigyang pansin ang naturang scam matapos magsagawa ng initial verification sa DBM ang contractor.