8 farm-to-market roads sa Bicol, tinapos sa ilalim ni PBBM; 9 pa nakaplano na!

Walong farm-to-market roads ang natapos sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Walong farm-to-market roads ang natapos sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa kanyang talumpati sa pagbibigay ng ayuda sa Pili, Camarines Sur, sinabi ng Pangulo na mahalaga ang mga bagong daanan upang masiguro ang food security sa rehiyon.

“Natapos na rin namin ang walong farm-to-market [roads] na maglalapit sa ating mga magsasaka sa mga mamimili,” ani Marcos.

“Kaugnay nito, siyam pa na farm-to-market [roads] ang ating ipapagawa sa iba’t-ibang bahagi ng Region V,” dagdag pa niya.

Dumalaw si Marcos sa Bicol para mamahagi ng tulong sa mga magsasaka, mangingisda, at pamilyang naapektuhan ng matinding tagtuyot na naranasan ng bansa sa nakalipas na mga buwan dahil sa El Niño.