8-anyos na bata, bugbog-sarado sa ermat na CAFGU

Kawawa ang sinapit ng isang walong taong gulang na batang babae matapos itong bugbugin ng kanyang ina sa Calawag, Quezon.

Kawawa ang sinapit ng isang walong taong gulang na batang babae matapos itong bugbugin ng kanyang ina sa Calawag, Quezon.

Ayon sa ulat, miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) ang mga magulang ng bata.

Tuwing mag-aaway umano ang mga magulang ng bata ay sa kanya ibinubuntong ng kanyang nanay ang galit nito.

Dati na raw dinala ang bata sa kanyang lola dahil sa pambubugbog ng kanyang nanay. Ngunit makalipas ang ilang buwan ay binawi niya ito, at nagpatuloy ang pagmamaltrato sa bata. Ang huling pananakit ay nangyari noong Mayo 1.

Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang bata, at nangako ang kanyang ama na sasampahan ng kaso ang kanyang nanay.

Ibabalik naman ang bata sa poder ng kanyang lola.