7k marathoner tatakbo sa WPS advocacy run ng PCG

Tinatayang aabot sa pitong libong marathoner ang makikilahok sa advocacy run na "Takbo Para Sa West Philippine Sea" na gaganapin sa Metro Manila ngayong Hulyo 7.

Tinatayang aabot sa pitong libong marathoner ang makikilahok sa advocacy run na “Takbo Para Sa West Philippine Sea” na gaganapin sa Metro Manila ngayong Hulyo 7.

Inorganisa ang advocacy run ng RUNRIO Inc., kasama ang Philippine Coast Guard (PCG), National Task Force – West Philippine Sea, Philippine Information Agency (PIA), at ng Presidential Communications Office.

“So, for this ‘Takbo para sa West Philippine Sea,’ this is part of the advocacy na ginagawa ng National Task Force West Philippine Sea to create awareness sa ating mga kababayang Pilipino about the relevance of our fight for the West Philippine Sea,” sabi ni West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela.

Ang malilikom na pondo mula sa isasagawang advocacy run ay gagamitin sa pag-imprenta ng “Ang mga Kuwento ni Teacher Jun,” isang comic book project na tumatalakay sa mga isyu sa West Philippine Sea.

“For every time na magri-register kayo sa pagtakbo sa West Philippine Sea, ang bawat isang runner will be receiving a comic book. This is not just an ordinary paperback comic book – this is a hardbound comic book because the objective of this is talagang patagalin natin, mabasa ng napakaraming Pilipino,” dagdag ni Tarriela.

Matapos ang Manila Leg, gaganapin naman sa pangalawang marathon sa Cebu City sa August 4 habang ang third leg naman ay sa Cagayan De Oro City sa September 8.