77% complete! First phase ng bagong gusali ng senado malapit na matapos

Ipinasilip ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang progreso ng unang yugto ng pagtatayo ng bagong gusali na Senado na ngayon ay malapit nang makumpleto.

Ipinasilip ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang progreso ng unang yugto ng pagtatayo ng bagong gusali na Senado na ngayon ay malapit nang makumpleto.

Ayon sa DPWH, nasa 77% ang completion progress ng nasabing gusali na may apat na ‘di pa tapos na tore na matatagpuan sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Nauna nang ipinautos ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang suspensyon ng konstruksyon ng bagong gusali kasunod ng anomalya sa P23 bilyong budget nito – halos tatlong beses na mas malaki kaysa original budget nito na P9-B.

Sinabi naman ni Project Director Engineer Soledad Florencio na ititigil lang nila ang konstruksyon kapag dumating na ang kautusan mula kay Senator Alan Peter Cayetano, chairman ng Senate Committee on Accounts.

“Pag naka receive na po kami ng letter coming from Senator Cayetano at sabihin po nya na mag stop ng work, mag stop na kami kasi sila po may control,” ani Florencio.