72K pasado sa Licensure exam ng mga guro

Higit 72,000 examinees ang pumasa sa Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) noong Marso 19, 2023, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) at Board for Professional Teachers (BPT) nitong Biyernes.

Ayon sa PRC at BPT, 24,819 sa 60,896 examinees (40.76%) ang pumasa para sa elementary teachers, at 48,005 naman sa 102,272 examinees (46.94%) ang pumasa para sa secondary teachers.

Dagdag pa rito, 19,390 sa elementary teacher passers ay first timers, habang 5,429 naman ang repeaters.

Para sa secondary teachers, 39,890 ang first timers at 8,115 naman ang repeaters. Ang mga pagsusulit ay isinagawa sa 37 testing centers sa buong Pilipinas.