71 pasahero nailigtas ng PCG sa sumadsad na RoRo sa Northern Samar

Ayon sa PCG, naglalayag ng Matnog, Sorsogon ang M/V Reina Hosanna mula sa Allen, Samar ng pumalya ang makina ng barko at tumirik sa karagatan linggo ng gabi.

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 71 pasahero mula sa RoRo ferry na sumadsad sa Capul Island sa Northern Samar.

Ayon sa PCG, naglalayag ng Matnog, Sorsogon ang M/V Reina Hosanna mula sa Allen, Samar ng pumalya ang makina ng barko at tumirik sa karagatan linggo ng gabi.

Natanggap ang ulat ng operator nito sa Batangas kaya agad nagpadala ng isa pang barko na hihila sa tumirik na RoRo na M/V Reina Immaculada.

Pero naputol ang panghila o mooring line dahilan para sumadsad ito malapit sa baybayin ng Barangay 1, Capul, Northern Samar.

Agad namang rumesponde ang Coast Guard Sub-Station (CGSS) Capul katuwang ang LGU at MDRRMO at nailigtas ang 71 pasahero.

Patuloy naman na minomonitor ng Coast Guard ang M/V Reina Hosanna na may lulang “30 rolling cargoes.”