70 lalawigan madadamay! El Niño magpapatuloy ang pananalasa

Inaasahang aabot sa mahigit 70 lalawigan sa bansa ang makakaranas ng hagupit ng El Niño sa susunod na tatlong buwan, ayon sa Task Force El Niño.

Inaasahang aabot sa mahigit 70 lalawigan sa bansa ang makakaranas ng hagupit ng El Niño sa susunod na tatlong buwan, ayon sa Task Force El Niño.

Ito’y sa kabila ng naiulat na unti-unting paghina ng naturang phenomenon.

“Meron pa ring mga probinsiya na maaapektuhan,” saad ni Task Force El Niño Spokesperson at Presidential Communications Office Assistant Secretary Joey Villarama ngayong Miyerkoles.

“In fact, doon sa projection ng PAGASA ay tataas pa mga to mid-70s, mga 76 pa po ang puwedeng maapektuhan na probinsiya in varying degrees in the next three months,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay 67 na lalawigan sa bansa ang nakararanas ng matinding init at tagtuyot dahil sa El Niño. Umabot na sa mahigit P1.75 bilyon ang pinsala nito sa sektor ng agrikultura.