70-anyos na lolo, naka-graduate sa senior high!

Hindi hadlang ang edad para maabot ng isang 70-anyos na lolo ang pangarap na makagtapos ng pag-aaral.

Hindi hadlang ang edad para maabot ng isang 70-anyos na lolo ang pangarap na makagtapos ng pag-aaral.

Pinatunayan ni Hiilario Jabines na ‘age is just a number’ pagdating sa pag-aaral dahil magmamartsa na ito bilang senior high school graduate sa May 30.

Nag-aral sa ilalim ng Alternative Learning System si Lolo Hilario sa Aparri, Cagayan.

Ayon sa kanya, nahinto siya sa pag-aaral dahil nagkaroon siya ng sariling pamilya at nagsimula nang magtrabaho para rin makatapos ang kanyang limang anak.

May mensahe rin si Lolo Hilario sa mga nanukso sa kanya dahil sa kanyang pagpapatuloy sa pag-aaral.

“Sabi ko sa kanila, huwag kayong mambu-bully, huwag kayong manghusga, dahil ang ginagawa ko, para sa pamilya ko,” saad niya.