65% ng Pinoy kuntento sa pamamalakad ni PBBM — SWS

Umabot sa 65 porsyento ng mga Pilipinong nasa wasting gulang ang kuntento sa ipinamalas na pamamalakad ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., ayon sa pinakabagong survery ng Social Weather Survey.

Umabot sa 65 porsyento ng mga Pilipinong nasa wasting gulang ang kuntento sa ipinamalas na pamamalakad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon sa pinakabagong survery ng Social Weather Survey.

Base sa resulta noong Disyembre nasa 17 porsyento ang hindi pa sigurado, habang 18 porsyento naman ang hindi kuntento.

Samantala, ang net satisfaction rating ni Pangulong Marcos ay pinakamataas sa Luzon na may markang very good +52, sinundan ng Visayas na may very good +51, at Metro Manila na may good +44.

Ayon pa sa survey, tumaas ang net satisfaction sa Presidente ng 8 puntos mula sa Metro Manila, ng 4 puntos mula sa Luzon, at ng 18 puntos mula sa Visayas.