63 kongresista sanib-pwersa sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

Dumalo ang 63 na kongresista sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Agusan del Norte.

Dumalo ang 63 na kongresista sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Agusan del Norte.

Kasama sa BPSF sina House Speaker Martin Romualdez at Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales.

Present din sa event nitong Biyernes si Senador Bong Revilla.

“This is the biggest display of unity and solidarity in BPSF next to the Sultan Kudarat service caravan, where almost 50 members of the House of Representatives, mostly from Mindanao attended. At tayo po ay nasa Mindanao uli. Damang-dama natin ang pagkakaisa ng mga mambabatas sa programa ni PBBM dito sa BPSF,” ayon kay Gonzales.

“Solidarity is really the word to describe the camaraderie of lawmakers in the Agusan del Norte BPSF. Nakikita ng mga mamamayan ang pagkakaisa ng mga opisyal ng pamahalaan para maghatid ng serbisyo diretso sa mga tao,” aniya pa.

Ilan pa sa mga kongresista na dumating sa BPSF ay sina Representatives David Suarez, Yedda Marie Romualdez at Erwin Tulfo.

Ang BPSF ay isang service caravan kung saan inilalapit sa mga Pinoy ang ilang flagship program ng gobyerno tulad ng Kadiwa ng Pangulo, Passport on Wheels, at iba pa.