62 PCG personnel pinarangalan sa pag-rescue sa 8 mangingisda sa Bajo de Masinloc

Ginawaran ng Bronze Cross medal ng Philippine Coast Guard ang 62 personnel ng BRP Sindangan na sumagip sa walong Filipinong mangingisda na nasabugan ng sinasakyang bangka sa Bajo de Masinloc.

Ginawaran ng Bronze Cross medal ng Philippine Coast Guard ang 62 personnel ng BRP Sindangan na sumagip sa walong Filipinong mangingisda na nasabugan ng sinasakyang bangka sa Bajo de Masinloc.

Ayon sa PCG, sa kabila kasi ng panghaharang ng China Coast Guard at People’s Liberation Army (PLA) Navy ships. sinikap pa rin ng PCG personnel na sagipin ang walong mangingisda kung saan dalawa sa mga ito ang nagtamo ng second degree burn.

Mismong PCG Commandant Admiral Ronnie Gil GAVAN ang naggawad ng parangal sa Subic, Zambales.

Nakatanggap ng radio challenges ang BRP Sandingan mula sa China at hinaharang ang rescue mission.

Sinabi naman ni PCG spokesman Rear Admiral Armando Balilo na nadaan naman sa mabuting usapan at nagpadala ang China ng dalawang rigid hull inflatable boats (RHIBs) para tulungan ang walong mangingisda.