600 PDL nagka-pigsa dahil sa init ng panahon – BJMP

Nasa 600 na persons deprived of liberty (PDLs) sa mga piitan sa National Capital Region (NCR) ang nagka-pigsa dahil sa init ng panahon.

Nasa 600 na persons deprived of liberty (PDLs) sa mga piitan sa National Capital Region (NCR) ang nagka-pigsa dahil sa init ng panahon.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), puspusan ang kanilang paghahanda para mapigilan ang pagdami ng makakakuha ng pigsa.

Kabilang sa kanilang plano ay ang paglalagay ng mas marami pang bentilasyon upang mas lumamig sa loob ng kulungan.

“And siyempre iyong paglalagay ng mga electric fans, iyong air shelf po na tinatayo. Iyong air shelf po, iyon po ‘yung nasa taas ng bubong kung makita ninyo umiikot po doon, kailangan po iyan. And iyon pagpapaluwag ng mga bintana kung mapapansin natin, kailangan ho talaga ng magandang air ventilation, so iyon ho ang ginagawa ng BJMP,” pahayag ni BJMP chief Jail Director Ruel Rivera sa isang panayam.

Samanatala, inatasan na rin ni Rivera ang mga regional director ng BJMP na makipag-ugnayan sa mga kumpanya ng tubig upang tiyakin na may sapat na suplay ng tubig para sa mga PDL nang makaligo ang mga ito araw-araw.