6 Pinoy biktima ng human trafficking nakauwi na ng ‘Pinas

Nakauwi na ang anim na Pilipinong naging biktima ng human trafficking sa bansang Myanmar nitong Abril 4.

Nakauwi na ang anim na Pilipinong naging biktima ng human trafficking sa bansang Myanmar nitong Abril 4.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang mga nakabalik ay binubuo ng apat na lalaki at dalawang babae.

Umalis umano ang anim sa Pinas para magpunta ng Myanmar bilang mga turista noong 2023.

Nakaranas ang mga biktima ng pisikal at sikolohikal na pang-aabuso, at hindi halos hindi pa umano tumatanggap ang mga ito ng sahod.

Dahil dito, nagbabala ang Interpol (international police) ukol sa mga manloloko sa Southeast Asia.