6 katao sa Cotabato, dedo sa heat stroke

Sa loob lamang ng higit isang linggo ay anim katao sa isang barangay sa Makilala, Cotabato ang nasawi dahil sa heat stroke.

Sa loob lamang ng higit isang linggo ay anim katao sa isang barangay sa Makilala, Cotabato ang nasawi dahil sa heat stroke.

Batay sa tala ng mga lokal na opisyal sa Barangay San Vicente, binawian ng buhay ang isang health worker noong nakaraang linggo.

Isang araw lang matapos itong ilibing, nasawi naman ang isang tindero ng buko juice.

At sa huling tatlong araw, apat katao ang sunod-sunod na namatay dahil sa heat stroke.

“We are alarmed by the incidents because it seemed unusual that while we bury one, another would die,” pahayag ni Rey Gabia, chairman ng Barangay San Vicente.

Inabisuhan na umano ni Gabi ang mga residente sa kanilang lugar na hangga’t maaari ay huwag magbabad sa matinding sikat ng araw.