6 estudyante mula Masbate, biniyayaan ng P25K ng Ako Bicol, CHED

Tutok ang Ako Bicol party-list sa pagsisigurong maaabot ng mga Oragon ang pangarap nila sa pamamagitan ng edukasyon.

Tutok ang Ako Bicol party-list sa pagsisigurong maaabot ng mga Oragon ang pangarap nila sa pamamagitan ng edukasyon.

Patunay diyan ang pagbibigay ng Ako Bicol katuwang ang Commission on Higher Education (CHED) ng educational assistance sa anim na estudyante mula Masbate.

Pinagkalooban ng P25,000 ang mga mag-aaral sa ilalim ng programang Student Monetary Assistance for Recovery and Transition (SMART) program.

Ang tulong pinansyal ng Ako Bicol at CHED ay maaaring gamitin ng mga estudyante para sa kanilang gastusin sa pag-aaral.

Samantala, noong February 23 lang ay nagtapos naman ang abot sa 50 scholar ng Ako Bicol at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng kursong Beauty Care (Nail Care) Services NC II na pwedeng magamit ng mga graduates bilang kanilang hanapbuhay.