5K non-teaching position sa DepEd, aprub sa DBM

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pag-employ ng 5,000 non-teaching personnel sa Department of Education (DepEd) na may buwanang sahod na hindi bababa sa P27,000.

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pag-employ ng 5,000 non-teaching personnel sa Department of Education (DepEd) na may buwanang sahod na hindi bababa sa P27,000.

Ayon kay Budget Secretary Amenah F. Pangandaman, ang desisyong ito ay alinsunod sa DepEd Order No. 002 S. 2024 na alisin na ang mga administrative task ng mga guro.

“Our educators already have their plates full. By approving the creation of 5,000 non-teaching positions, we aim to relieve teachers of administrative tasks and allow them to focus on quality instruction. This move will significantly benefit our educators and enhance the country’s education system,” aniya.

Dagdag ni Pangandaman, ang mga posisyong ito ay para sa Administrative Officer (AO) II role na may Salary Grade (SG) 11, katumbas ng isang buwanang sahod na naglalaro mula sa mga P27,000 hanggang P29,075.

Nakapaloob ang inisyatibo ng DBM sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyang prayoridad ang kabuaang kapakanan ng mga guro at mag-aaral.