540 estudyante natulungan ng DSWD, Ako Bicol sa Albay

Nagsanib-pwersa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Ako Bicol Party-list sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga piling estudyante ng Rapu-Rapu, Albay nitong Abril 15.

Nagsanib-pwersa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Ako Bicol Party-list sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga piling estudyante ng Rapu-Rapu, Albay nitong Abril 15.

Ayon sa ulat, tig-P5,000 ang tinanggap ng 540 na estudyante ng nasabing bayan.

Ipinagmalaki naman ni Ako Bicol executive director Atty. Alfredo Garbin Jr. ang naturang aktibidad. Aniya, prayoridad ng Ako Bicol na tulungang umangat ang sektor ng edukasyon sa paniniwalang ito ang susi upang makawala sa kahirapan.

Tiniyak din ni Garbin na hindi ito ang huling pamimigay nila ng tulong sa mga estudyante sa Bicol Region.

Nito namang Martes, Abril 16, ay namahagi rin ng tulong-pinansyal sa 533 estudyante sa Daraga, Albay.