54 barko ng China namataan sa WPS

Nasa 54 ang mga sasakyang pandagat ng China na naglalayag ngayon sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa huling tala ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nasa 54 ang mga sasakyang pandagat ng China na naglalayag ngayon sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa huling tala ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa 54 na barko, pito rito ang pagmamay-ari ng Chinese Coast Guard, 18 ang maritime militia, at 29 ang mga fishing vessel.

“The following are the sightings of Chinese vessels in the West Philippine Sea as of 4 p.m. of March 11, in Bajo de Masinloc, five China Coast Guard vessels, 18 China maritime militia vessels, and 10 China small boats,” saad ni AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla.

“In Ayungin Shoal, one CCG vessel, six China fishing vessels. In Pag-asa Island, one CCG vessel and six China fishing vessels. In Panata Island, seven China fishing vessels,” dagdag pa niya.

Malaki umano ang ibinaba nito kumpara sa datos ng Philippine Navy noong Enero 30, kung saan umabot sa 240 ang sasakyang pandagat ng China sa WPS.