52K pulis magbabantay sa Semana Santa

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na mahigpit na seguridad ang ipapatupad ng kapulisan sa paparating na Mahal na Araw.

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na mahigpit na seguridad ang ipapatupad ng kapulisan sa paparating na Mahal na Araw.

Ani Acorda, nasa 52,000 na pulis at mahigit 400 na K-9 units ang inatasan niyang magbantay sa mga terminal, pantalan, at paliparan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

“There is sufficient enough personnel or manpower that is deployed in the different areas of concern like roads and even convergence [areas], in ports and airports. Our intelligence monitoring will also continue,” wika ng PNP chief.

“If there is a need to add more, we have a reserve force that we can tap,” dagdag pa ni Acorda.

Bukod sa PNP, naka-alerto rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), at ang Department of Health (DOH).

Nasa 2,300 na kawani ng MMDA ang magbabantay sa Mahal na Araw, habang 28,000 naman mula sa BFP at 30,000 mula sa PCG. Ang DOH naman ay sasailalim sa code white, kung saan ang mga operation center nito ay bukas 24 oras.