52% ng mga Gen Z mas bet magtrabaho abroad

Lumabas sa isang pag-aaral na mas kursonada ng mga Gen Z na magtrabaho sa ibang bansa sa halip na manatili sa Pilipinas.

Lumabas sa isang pag-aaral na mas kursonada ng mga Gen Z na magtrabaho sa ibang bansa sa halip na manatili sa Pilipinas.

Sa pag-aaral na pinamagatang PhilCare Wellness Index: An updated ABC of Pinoy Gen X, Y, and Z, lumabas na 52% ng mga Gen Z o ‘yung mga ipinanganak mula 1997 hanggang 2015 ang gustong lisanin ang bansa upang magtarabaho sa lupain ng mga banyaga.

Samantala, ang natitirang mga respondent, o 48% ang nais manatili sa bansa.

Paliwanag ng clinicial psychologist na si Rainier Ladic, ang resulta ng pag-aaral ay bunga ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya sa panahon ng mga Gen Z. Dahil umano rito, mas bukas ang kanilang isipan sa buhay na naghihintay sa ibang bansa.

“Mataas ang kanilang personality na openness to experience sa mga Gen Zs na nagmo-motivate sa kanila to try something new,” saad ni Ladic.

“Better pay na trabaho. Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at hindi pagtaas ng sahod,” dagdag pa niya.

Samantala, sa parehong pag-aaral ay lumabas din na karamihan sa mga Gen Z ang mas gustong magtrabaho mag-isa kumpara sa pagtatrabaho nang kabilang sa isang grupo.

“The mere fact that their work will be observed and evaluated so they feel all the more anxious working with groups. Working in groups, may not show yung skills na meron sila kasi always in group yung nakikita,” wika pa ni Ladic.