5 sugatan sa banggaan ng bus, truck sa Camarines Sur

Sugatan ang apat na pasahero maging ang driver ng isang pampasaherong bus nang sumalpok ito sa truck sa Lupi, Camarines Sur nitong Sabado.

Sugatan ang apat na pasahero maging ang driver ng isang pampasaherong bus nang sumalpok ito sa truck sa Lupi, Camarines Sur nitong Sabado.

Naganap ang aksidente sa Andaya Highway sa Brgy. Cabutaga sa nabanggit na lalawigan bandang alas-4 ng madaling araw.

Dahil sa lakas ng pagkabangga ay nasira ang unahang bahagi ng bus.

Agad namang naisugod sa ospital ang mga biktima.

Dagdag pa riyan ay patuloy din ang imbestigasyon Lupi Municipal Police Station sa nangyaring aksidente.