5 pang capital ship mula Japan, ihahatid sa ‘Pinas

Siniguro ni Japan Ambassador to the Philippines Endo Kazuya na patuloy ang suporta ng pamahalaan ng Japan sa Philippine Coast Guard (PCG).

Siniguro ni Japan Ambassador to the Philippines Endo Kazuya na patuloy ang suporta ng pamahalaan ng Japan sa Philippine Coast Guard (PCG).

Dahil dito, suportado rin umano nila ang pagbili ng lima pang karagdagang capital ships para sa bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni Admiral Ronnie Gil Gavan na ang Japan ang nagbigay ng pinakaraming pagkakataon para mapalakas ang depensa ng Pilipinas.

“We are very grateful for their cooperation to make sure the WPS [West Philippine Sea] remains peaceful, stable, and prosperous for our respective people,” saad nito.

Magaganap umano ang pirmahan ng kasunduan para sa pagbili ng limang 97-metro na multi-role response vessels (MRRVs) sa Biyernes.

Sa kasalukuyan ay may dalawang 97-metro na MRRVs na ang PCG. Ito ay ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) at BRP Melchora Aquino (MRRV-9702).