5 bagong batas pirmado na ni PBBM

Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang limang bagong batas na pakikinabangan ng mga lokal na pamahalaan.

Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang limang bagong batas na pakikinabangan ng mga lokal na pamahalaan.

Kabilang sa mga pinirmahan ay ang Republic Act No. 11987 o pagpapalit ng pangalan ng Bohol Island Circumferential Road sa President Carlos P. Garcia Circumferential Road.

Pinalitan din ang pangalan ng Urdaneta City Bypass Road at magiging Ambassador Eduardo “Danding” M. Cojuangco Jr. Avenue sa ilalim ng Republic Act No. 11988.

Kasama rin sa pinirmahan ay ang Republic Act 11989 o pagpapalit ng pangalan ng Tambacan Bridge, at ito ay tatawaging Mariano Lluch Badelles Sr. Bridge.

Ika-apat sa pinirmahan ay ang Republic Act 11990, na nagbibigay ng pangalan sa kalsada sa Camarines Sur bilang Speaker Arnulfo “Noli” Fuentebella Highway, na nagmumula sa Barangay San Juan Bautista.

Dagdag pa riyan, pinirmahan din ng Pangulo ang Republic Act No. 11986 na lumikha ng Barangay Guinhalinan sa Barobo, Surigao del Sur.

Ayon sa bagong batas, inatasan ang Commission on Elections na magsagawa ng plebisito at magbantay sa Barangay Guinhalinan sa loob ng tatlong buwan.